Journey of Eros

October 15, 2007

Journey

Filed under: Uncategorized

Ang Paglalakbay

Panahon na naman daw ng paglalayag. Kaya pala halos hindi mapakali ang lahat. May mga balisa, ang iba’y kinakabahan, samantalang nangangamba naman ang iilan. Tinatayang mahigit dalawang daan hanggang limang daang milyon sa aming lahi ang mag-uunahan palabas. May kung anong puwersa ang hihigop sa amin patungo sa tinatawag nilang obaryo. May isa raw sa amin ang mapalad na makakadaung-palad ang egg cell at mula rito’y mabubuo ang isang panibagong nilalang.
Mabilis lang naman daw ang biyahe. Sa paglalakbay, sagana ang lahat sa nutrisyong dulot ng seminal plasma. Ang vagina ang kinatatakutan ng lahat dahil masyado raw itong acidic dahil sa ibinubuga nitong lactic acid. Gayunpaman, malakas ang aming resistensya upang labanan ang kemikal na maaaring pumatay sa amin pagsapit sa vagina canal.
Nagsimula nang tumaas ang temperatura. Mayamaya pa’y tila hinihigop na kami ng puwersa patungo sa makipot at malapot na lagusan. Halos hindi kami makahinga sa tila tubong daluyan dahil sa sobrang sikip. Bumilis nang bumilis ang aming paglangoy hanggang sa tumalsik kami at nasadlak sa isang panibagong mundo: madilim, makipot at amoy-tae.






















Get free blog up and running in minutes with Blogsome
Theme designed by Helga Cleve