Journey of Eros

October 20, 2007

Bailiff and Apprentice

Filed under: Uncategorized

Hindi ko pa rin napigilan ang aking sarili na manood ng 4pm film sa Cine Europa kahit me sumabog sa Glorietta kahapon. Tinext ako ng isang kaibigan na iwasan daw muna ang pagpunta sa mall at pagsakay sa MRT. Baka mangyari ulit yung naganap noong December 2000. Tuloy pa rin kami sa Shangrila. Kahit nagback out yung iba dahil natatakot. Marami pa rin naman ang nanood pero hindi fully-packed ang sinehan di katulad nung nakaraang taon na nagkakaubusan ng tiket.

Dead Man’s Hand ang una naming pinanood. Hindi ko na matandaan kung saang bansa galing. Tungkol ito sa babaeng nakipaghiwalay sa asawa niyang bailiff. Nakakatawa ang pagiging idiotic ng mga karakter. Hindi naman talaga idiotic ang pinaggagawa o pinagsasabi nila pero halos ganun ang effect sa kin. Sa romantic comedy puwedeng ilinya ang pelikula.

Closely Watched Train ang palabas nung alas 6. Isang apprentice ng dispatcher ng train ang nagtangkang magpakamatay dahil sa premature ejaculation na nangyari sa kanya nang subukan nila ng crush niya na magtalik. Sabi ng doktor (psychiatrist) na tumingin sa kanya, magpaturo siya sa mas nakakatandang babae na may sapat na karanasan sa buhay o kaya’y isipin ang football kapag nasa proseso ng pagtatalik. Yun nga ang ginawa niya.

Black and white ang pelikula. Indikasyon na luma na ito. sa konteksto ng panahong ginawa ang pelikula, masasabi kong maganda ito. Hitik kasi sa magagaling na detalye.

Baka manood ulit ako mamaya.

Comments »

The URI to TrackBack this entry is: http://journeyoferos.blogsome.com/2007/10/20/bailiff-and-apprentice/trackback/

No comments yet.

RSS feed for comments on this post.

Leave a comment

Line and paragraph breaks automatic, e-mail address never displayed, HTML allowed: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <code> <em> <i> <strike> <strong>



Anti-spam measure: please retype the above text into the box provided.






















Get free blog up and running in minutes with Blogsome
Theme designed by Helga Cleve